FNRI Home
  About FNRI
  Services
  Food Technologies
  Nutrition Statistics
  Food Laboratory
  Publications
  Library
  Related Links  
The Web Editor
DOSTBOARD
updated Jan. 2007

Fighting Malnutrition with Accurate Data, Correct Information and Innovative Technologies

 
 
 
 
Author:

Tanging Gatas ng Ina - Sapat sa Unang 6 na Buwan

Czarina S. Martinez, NCS-RUMD


Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology (FNRI-DOST), ang gatas ng ina ay sapat nang makatutugon sa pagkain at likidong kailangan ng sanggol mula pagkasilang hanggang anim (6) na buwan.

Ang ika-lawang mensahe ayon sa Gabay sa Wastong Nutrisyon Para sa Pilipino ay "Pasusuhin ang sanggol ng gatas ng ina lamang mula pagkasilang hanggang 6 na buwan at saka bigyan ng mga angkop na pagkain habang pinapasuso pa."

Ang gatas ng ina ang pinaka angkop na gatas para sa sanggol. Ito ay nagtataglay ng lahat ng sustansyang kinakailangan ng sanggol sa tamang uri at sukat. Ang likidong kailangan ng sanggol ay makukuha rin sa gatas ng ina kaya ang pagbibigay ng tubig, tubig na may asukal o katas ng prutas bago mag-anim na buwan ang sanggol ay hindi pa minumungkahi.

Isang dahilan dito ay, hindi pa handa ang digestive system ng sanggol upang tanggapin ang ibang pagkain maliban sa gatas ng ina. Dagdag pa rito, kung ang bote at tsupon o dili kaya ang tubig na gagamitin ay hindi malinis, ito ay puwedeng mauwi sa pagtatae ng sanggol.

Marami sa mga ina ang nangangamba na baka hindi sapat ang daloy ng kanilang gatas. Narito ang ilang mga praktikal na palatandaan na makapagbibigay hudyat na nakakakuha ng sapat na gatas si baby.

Dalas ng breast-feeding - iminumungkahi na pasusuhin ang sanggol kapagdaka napanganak. Ang ina ay maaaring magpasuso makalipas ang 30 minuto pagkapanganak. Kadalasan ang sanggol ay sumususo ng 2 hangang 4 na beses sa unang dalawang araw. Pagdating ng tatlong araw dumadalas ang pagsuso ng sangol sa 10 beses o higit pa. Sa kalaunan nagiging regular ang paghingi ng gatas ni baby tuwing lilipas ang 3 o 4 na oras.
Mahimbing na pagtulog - ang sanggol na nakasuso ng sapat na gatas ay nakakatulog ng mahimbing. Minsan nakakatulog ang sanggol habang sumususo, Ingatan lamang ang pag-awat sa bibig ng sanggol upang hindi magising.
Dami ng ihi - ang nakakasuso ng tamang gatas ay umiihi at dumudumi ng normal. Hindi bababa sa anim na beses sa isang araw ang pag-ihi ng sanggol, at manilawnilaw ang kulay nito. Normal din na dumumi ang sanggol pagkatapos sumuso. Sa kalaunan nagiging regular sa isa hangang dalawang beses sa isang araw ang pagdumi ng sanggol.
Timbang - ang timbang ang pinaka mabisang tanda kung ang sanggol ay nakakasuso ng sapat na gatas ng ina. Sinasabi ng mga dalubhasa na ang birth weight ng sanggol ay dapat dumoble makalipas ang anim na buwan, at ito naman ay dapat maging triple makalipas ang isang taon. Ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ay sumusunod ang pamantayan ng International Reference Standard (IRS) upang ihambing at masubaybayan ang tamang paglaki ng mga bata.

Para sa karagdagang impormasyon sa breastfeeding, maaring sumulat kay Director Corazon VC. Barba sa e-mail address cvcb@fnri.dost.gov.ph, o sa Food and Nutrition Research Institute, DOST Compound, Bicutan, Taguig, Metro Manila. Para sa karagdagang detalye, maaring tumawag sa numero (02) 837-2934 or (02) 837-3164 o bisitahin ang aming website sa http://www.fnri.dost.gov.ph.

FNRI, DOST Compound, Gen. Santos Avenue
Bicutan, Taguig, Metro Manila, PHILIPPINES
Telefax: 837-2934;837-3164
E-mail: mvc@fnri.dost.gov.ph

Copyright © 2002 Department of Science and Technology. All rights Reserved.