FNRI Home
  About FNRI
  Services
  Food Technologies
  Nutrition Statistics
  Food Laboratory
  Publications
  Library
  Related Links  
The Web Editor
DOSTBOARD
updated Jan. 2007

Fighting Malnutrition with Accurate Data, Correct Information and Innovative Technologies

 
 
 
 
Author:

Lamang Ugat at Butong Gulay-Para sa Maayos na Kalusugan

Czarina T. Martinez, NCS-RUMD

Ang lamang ugat at butong gulay ay mayaman sa dietary fiber at maaaring makatulong sa pagpigil ng sakitkagaya ng diabetes, cancer, sakit sa puso, at baradong ugat. Ito ang natuklasan sa katatapos na pag-aaral na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology (FNRI-DOST), sa pamumuno ni Dr. Trinidad P. Trinidad, Scientist II ng FNRI-DOST.

Ang dietary fiber ay makukuha sa pagkaing gulay, prutas, butil ng bigas at mais, lamang ugat, at butong gulay. May dalawang klase ng dietary fiber; ang natutunaw o soluble dietary fiber at ang di natutunaw o insoluble dietary fiber. Ang soluble dietary fiber ay nag-aakit ng sebo, taba, at tubig. Nagbibigay ito ng dulas sa paglabas ng dumi. Ang insoluble dietary fiber naman ay maihahalintulad sa espongha na dumadaloy sa ating bituka. Ang mga hibla nito ay siyang nagwawalis ng dumi papalabas sa katawan.

Sa kabuuan ang dietary fiber ay tumutulong na mapabuti ang panunaw, maiwasan ang pagtitibi, mailabas ng regular ang dumi ng katawan, at mapababa ang cholesterol at asukal sa ating dugo.

Anim na lamang ugat ang pinag-aralan nila Dr. Trinidad. Kabilang dito ang ubi, gabi, tugi, patatas, kamote, at kamoteng kahoy. Sampung (10) butong gulay din ang pinag-aralan. Ang mga ito ay munggo, utaw o soy beans, mani, sitao, paayap, garbansos, gisantes, patani, abitsuwelas na pula o kidney beans, at kadyos. Ang mga nabanggit na lamang ugat at butong gulay ay pangkaraniwang mabibili sa pamilihang bayan.

Bago sinuri ang dietary fiber ng bawat lamang ugat, ito ay pinakuluan at pinatuyo sa mababang temperatura. Samantala, ang butong gulay naman ay binabad sa tubig nang magdamag. Kinabukasan, ito ay pinakuluan at pinatuyo sa mababang temperatura.

Ayon sa pagsusuri Dr. Trinidad P. Trinidad, ang 40-73% ng total dietary fiber ng lamang ugat ay insoluble, samantala 27-60% ay soluble. Sa butong gulay naman, 83-99% ng total dietary fiber ay insoluble at 1-17% ay soluble.

Base sa resulta ng pag-aaral tinitiyak ni Dr. Trinidad na ang lamang ugat at butong gulay ay mayaman sa dietary fiber. At ang mga ito ay makakatulong sa maayos na pangangatawan.

Para sa karagdagang impormasyon higgil sa FNRI-DOST, inaanyayahan ang publiko sa taunang pag-uulat ng mga makabagong tuklas sa nutrisyon. Ito ay gaganapin sa FNRI-DOST, DOST Compound, Bicutan Taguig Metro Manila sa Hulyo 6 - 7, 2004. Maaari ding tumawag sa telepono bilang 837-2934 o bisitahin ang FNRI website sa http://www.fnri.dost.gov.ph.

S&T Media Service
FNRI-DOST Media Release for 2003

FNRI, DOST Compound, Gen. Santos Avenue
Bicutan, Taguig, Metro Manila, PHILIPPINES
Telefax: 837-2934;837-3164
E-mail: mvc@fnri.dost.gov.ph

Copyright 2002 Department of Science and Technology. All rights Reserved.