|
Naniniwala ang mga mambabatas
ng Pilipinas na ang gatas ng ina ang pinakamainam para sa
sanggol. Kung kaya ipinagtibay ng kongreso ng Pilipinas ang
batas na Republic Act (RA) 7600 "The Rooming-In and Breast-feeding
Act of 1992", mahigit ng isang dekada ang nakalilipas.
Ang rooming-in
ay ang pagsasama ng ina at sangol sa isang silid sa halip
na ilagak ang sanggol sa nursery room. Layunin ng rooming-in
na mapasuso ni nanay ang kanyang sangol sa sandaling mangailangan
ng gatas si baby.
Naniniwala
tayo na karapatan ng bawat ina na pasusuhin ang kanyang sanggol
at karapatan din ni baby na masuso ang gatas ng kanyang ina.
Ang unang daloy ng gatas ng ina ay tinatawag na colostrum.
Manilaw-nilaw ang kulay nito, mayaman sa bitamina at antibodies
na panlaban sa mikrobyo.
Iminumungkahi ng Food and Nutrition Research Institute, Department
of Science and Technology (FNRI-DOST) na "Pasusuhin ang
sanggol ng gatas ng ina lamang mula pagkasilang hanggang 6
na buwan at saka bigyan ng mga angkop na pagkain habang pinapasuso
pa".
Napagalaman
na ang gatas ng ina ay nagtataglay ng lahat ng sustansya na
kailangan ng sanggol sa tamang kombinasyon sa unang anim na
buwan.
Sapat
din ang likido ng gatas ng ina upang matugunan ang pangangailangan
ni baby kaya ang pagpapasuso ng tubig o pagbibigay ng tubig
na may asukal at fruit juice ng mas maaga kaysa anim na buwan
ay hindi iminumungkahi.

|
|

Tatlong
palatandaan upang makasiguro na sapat ang gatas ng ina;
|
|
Ang
sanggol ay sumususo ng 15-20 minuto at nakakatulog ng
mahimbing pagkatapos sumuso; |
|
|
Ang
sangol ay umiihi ng hindi bababa ng 6 na beses sa isang
araw; |
|
|
Patuloy
na tumataas ang timbang ng sanggol. Napag-alaman na dumodoble
ang birth weight ng sanggol makaraan ang anim na buwan
at nagiging triple naman ito makalipas ang isang taon.
|
Para
sa karagdagan detalye, maaaring sumulat kay Director Corazon
VC. Barba sa sa email address cvcb@fnri.dost.gov.ph, o sa
Food and Nutrition Research Institute, DOST Compound, Gen.
Santos Ave., Bicutan, Taguig, Metro Manila, o tumawag sa numero
(02) 837-29-43 o (02) 837-81-13 o bisitahin ang aming web
site sa "http://www.fnri.dost.gov.ph.
|