Mga Piling Lutuing Gulay - Masustansya na, Masarap Pa! PDF Print E-mail
WP - Jan-Dec 2004
Written by Czarina Martinez, NCS-RUMD   
Ang National Nutrition Council, Department of Agriculture (NNC-DA) sa pakikipagtulungan sa Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology (FNRI-DOST) ay naglimbag ng isang resipi book na naglalaman ng simple ngunit masustansya, praktikal at abot-kayang lutuing gulay na garantisadong magugustuhan ng pamilya.

Pawang mga pili at winning resipi ng mga cooking contest sa kalakhang Maynila at Laguna sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon mula 1999 hanggang 2002 ang itinampok sa handbook. Binigyan diin ang nutrient content ng bawa't lutuin upang maibigay ang sapat na sustasyang kailangan ng pamilya. Isinaalang-alang din ang halaga ng bawat lutuin ng maging praktikal sa badyet ng pamilya. Pawang madali ang paraan ng pagluluto at ang mga sangkap ay madaling hanapin sa pamilihan. Higit sa lahat pawang masusustansya ang mga sangkap ng bawat lutuin.

Kabilang sa mga resipi na itinampok sa handbook ay ang pampaganang Karambola Salad, pang-ulam na Tokwando, panghimagas na Gardenia Sweets at pangmiriendang Squash Temptation.

Layunin ng NNC at FNRI na mahikayat ang bawat miyembro ng pamilya, lalung-lalo na ang mga bata na kumain ng iba't-ibang uri ng gulay araw-araw. Batid natin na mahirap pakainin ng gulay ang mga bata kaya tinitiyak ng Food Management Section (FMS) ng FNRI na ang bawat resipi ay kaaya-aya at magugustuhan ng lahat ng miyembro ng pamilya. Masusing pinag-aralan ng FMS ang bawa't resipi upang malaman at matiyak ang mga sustansyang taglay nito.

Ang handbook ay isinulat sa wikang Pilipino. Bukod sa resipi, may dagdag pa itong gabay sa pamimili at mahalagang impormasyon tungkol sa sustansyang taglay ng gulay at prutas.

 

Copyright © 2008 FNRI-DOST. All Rights Reserved.
  Updated  July 2014
 
DOST Compound, Bicutan, Taguig City
Tel. Nos. (02) 837-2934/837-3164
Best viewed in Mozilla Firefox browser